As you are reading this letter, I bet that you have seen/heard about what happened earlier in our country.
Tourists were hostages of a policeman here, Rolando Mendoza. After a few hours of the horrible crime, some of the victims were dead including the hostage-taker.
I wrote this letter not just…
August 2010
13 posts
Lahat ng Pilipino ata merong isang “Tito Boy” o “Tita Baby”… pwedeng ring “Tito Baby” at “Tita Boy” o “Tita Girlie”.
![]()
Ito si Tito Boy. (Yung nasa kanan a. Sa kaliwa Tita ko. Hindi Girlie ang pangalan nya.) Ismael ang tunay niyang pangalan. Tito siyang buo ni Mommy.
Wala akong kamag-anak na balikbayan. Lahat kasi nasa ibang bansa. Hahahaha. La lang. Yun lang.
Ito ang Panatang Makabayan na naabutan ko, na tuwing Lunes sa flag ceremony sa CSA, at tuwing umaga sa bawat pagsimula ng klase naming binibigkas:
Panatang Makabayan:
Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking Lupang Sinilangan
Ito ang Tahanan ng aking Lahi
Ako’y Kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapaki-pakinabang
Bilang ganti, ay diringgin ko ang Payo ng aking mga Magulang
Susundin ko ang mga Tuntunin ng aking Paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin
Ng isang Mamamayang Makabayan at masunurin sa Batas
Paglilingkuran ko ang aking Bayan ng walang mag-iimbot
At ng buong Katapatan
Sisikapin ko maging isang Tunay na Pilipino
Sa Isip, sa Salita, at sa Gawa
(Tapos pagkatapos nyan, yung Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas)
Oo, aaminin ko JC, kelangan ko sumulyap sa tumblr mo kasi nalimutan ko yung mga huling linya. Hahahaha…
———————
Ako ay ipinanganak noong Ika-Siyam ng Nobyembre, taong Isang Libo’t Siyam na Raan at Walumpu’t Lima.
(Sa Spanish: Nueve de Noviembre, año de Mil Novicientos Ochenta y Cinco. Wala lang, gusto ko lang mag-Spanish. Pabida lang. Hahahahaha!)
![]()
(Gagayahin ko na lang si JC… Pambansang Bukstor.) Bwahahaha
![]()
Ito si Benigno Servillano “Ninoy” Aquino, Jr., ama ng kasalukuyang Pangulong Benigno Simeon Aquino III, asawa ng yumaong dating Pangulong Corazon Cojuangco-Aquino, pinatay noong Agosto 21, 1983 sa Manila International Airport matapos ang kanyang pagka-exilo sa Estados Unidos. Isang martir ng demokrasya.
Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit siya ang pinili ko:
“Then as if I heard a voice tell me: Why do you cry? I have gifted you with consolations, honors and glory which have been denied to the millions of your countrymen. I made you the youngest war correspondent, presidential assistant, mayor, vice-governor, governor, and Senator of the Republic, and I recall you never thanked me for all these gifts. I have given you a full life, a great wife and beautiful lovable children. Now that I visit you with a slight desolation, you cry and whimper like a spoiled brat!
With this realization, I went down on my knees and begged His forgiveness. I know I was merely undergoing a test, maybe in preparation for another mission. I know everything that happens in this world is with His knowledge and consent. I knew He would not burden me with a load I could not carry. I therefore resigned myself to His will.
To think, I have been praying the Lord’s Prayer for three and a half decades without really understanding fully the words I mumbled. I repeated the prayer so mechanically that I never really knew what I was saying: Thy Will be done, on earth!”
Mula ito sa isang liham na kanyang ipinadala kay Sec. Soc Rodrigo noong June 19, 1973, habang siya ay nakakulong sa Fort Bonifacio.
![]()
Litrato: Ito ang pinakabagong gusali ng DLS-CSB, ang School of Design and Arts (SDA) Building. Dinisenyo ito ni Arch. Ed Calma, at nagkakahalagang halos 2 bilyong piso. (Ata. o 1 Billion lang ba?) Di ko na to naabutan. Sayang. Kami pa naman nagbayad para dito. Pero at least, di kasing taas ng tuition ko ang tuition nila ngayon. BWAHAHA.
—————————
Nag-aral ako sa De La Salle-Kolehiyo ng San Benildo (De La Salle-College Of Saint Benilde). Ayoko na magsalita. Magpapakita na lang ako ng mga litrato para makita nyo kung gaanong kaganda (at kamahal) ang kolehiyo ko.
![]()
Litrato: Ito ang Main Campus ng DLS-CSB. Dito ako nagkaklase dati. Ngayon, ito ang building ng School of Management and Information Technology at ng School of Multidisciplinary Studies… Sa madaling salita, dito ang mga boring na kurso. JOKE LANG.
![]()
Litrato: Ang Plaza Villarosa sa Main Campus ng DLS-CSB, kung saan ang karamihan ng mga event ang nangyayari: mapa-concert man o trade fair.
![]()
Litrato: Muli, ang SDA Building sa gabi nang mayroong isang exhibit. Dahil Arts Building ang gusaling ito, maaring gawing isang buong exhibition space ang itsura at hugis ng gusali.
![]()
Litrato: Heto ang isa pang view ng SDA Building. Yang malaking nakausling yan ang theatre. Nadelay ang pagtapos ng gusali dahil dito sa theatre na ito kasi nga natatakot ang contractor na kung nag-install na ng mga upuan ay bumigay ito. Okay na siya ngayon, may reinforcement na. Hahaha.
![]()
Litrato: MAGSORRY KAYO SA CHAPEL NG SDA BUILDING. Use of available lighting. Odiba. (Wala pang upuan yan.)
![]()
Litrato: Ang mga corridor ng SDA Building. MAGSORRY KAYO.
![]()
Litrato: Ang harap ng TFCA. Noong panahon namin, wala pang balcony. Meron na ngayon. Ang taray. Evita Peron lang ang dating nung principal. Bwahahaha! PERO: wala pa rin silang elective na photography, o kahit man lang taong marunong kumuha ng picture.
——————
Ito ang Tabernacle of Faith Christian Academy… Teka. Sa wikang Filipino: Paaralang Kristiyano ng Tabernakulo ng Pananampalataya.
ANG LABO DIBA! Parang kulto lang. Hahahahahaha!
Lumipat ako sa TFCA noong Grade 6 ako. Galing ako sa isang malaking paaralan na mayroong 12 sections sa isang baitang, at sa isang section ay may 45 mag-aaral. Kung kaya’t noong nalipat ako sa TFCA, ay isa itong “culture shock” para sa akin. Dalawang section, tig-25 mag-aaral. Walang football field, walang swimming pool, may roofdeck para sa PE, pero walang net sa volleyball at walang basketball lang ang maaari mong laruin. Walang parking para sa mga mag-aaral dahil kalye na ang labas mo. Walang canteen na malaki na may mga iba’t ibang concessionaire. Isang 6-palapag na gusali lamang ang buong paaralan. Walang budget ang Student Council, isang beses lang sa isang taon kung lumabas ang school paper, at ang varsity teams ay walang budget kung kaya’t kinailangan namin mag-commute gamit ang sarili naming pera papunta sa mga meet. Pero may aircon ang bawat klasrum. Hahaha.
Tinapos ko ang aking hayskul sa TFCA. Masasabi kong bagama’t maraming wala sa paaralan ko, isang bagay ang mayroon dito: Kaibigang pangmatagalan.
NAKS! Oha, JC, makapangbola lang o!
![]()
Litrato: May computer lab na rin pala sila. Hindi po yan mga mag-aaral. Mga guro po yan sa isang powerpoint training. Ayun si Mr. Aquino, ang aming THE teacher sa gitnang row sa dulo.
![]()
Litrato: BUHAY PA SI ALING PACING!!! At asenso na ang kanyang signage! Bumi-billboard advertising na rin siya ngayon o! Yan ang tindahan na tinatambayan namin pagkatapos ng klase habang naghihintay ng sundo o pag bored lang kami.
Haba pala ng title pag nag-procrastinate ka. (‘Sensya na, di ko alam ang tagal ng “procrastinate”).
Ang paborito kong pasyalan ay Greenbelt at High Street sa kalunsuran, at sa labas naman ng Maynila ay ang Tali Beach sa Batangas.
——————-
![]()
Litrato: Ang Elementary Building Quadrangle.
Ito ang Colegio San Agustin sa Makati, kung saan nag-aral si Kris Aquino at si Heart Evangelista at si Vandolph Quizon na naging kaklase ko pa. Sampung hektarya ang lawak nito. Tatlo ang academic building nito: Preschool, Elementary at High School na may kanya-kanyang library. Ang teatro nya ay mas malaki pa sa isang sinehan sa Greenbelt 3. Mayroon itong anim na covered basketball court, at may pinakamahabang canteen sa buong… ewan… Pilipinas ata. Dati yun yung sabi nila e. Bukod sa anim na covered court, meron ring Sports Complex na may super gandang basketball court, tennis courts at Olympic sized na swimming pool. Mayroon ring apat na football fields, isang track oval at isang softball pitch.
Para sa mga taga CSB, natatandaan nyo pa ba yung kwek-kwek stand sa likod ng Benilde? Yun yun e! As in Malalaking KWEK KWEK. KWEK KWEK kung kwek kwek. Hahaha!
Yun saka barbecue na me sukang pink… Ewan ko kung pano nagiging pink yung suka na yun. Basta yun.
Ang paborito kong parke ay… Ang Greenbelt 1 Car Park. Maluwag kasi lagi e. Joke lang. Pero tie ang Greenbelt Park at High Street.
Mahilig ako kumain. Pero hindi ako tumataba. Ewan ko ba, sadyang mabilis magtunaw ng pagkain ang katawan ko. Marahil ay dahil aktibo akong tao. Noong bata ako para akong kitikiti.
Teka. Pagkain pala pinag-uusapan. Hindi ako.
Mahilig ako kumain. Mahilig ako sa mga iba’t ibang klase ng putahe: pagkaing Italyano, Amerikano, Hapones, Tsino, Indian, Thai, Espanol… Pero wala pa ring tatalo sa lutong Pinoy. Kung pagkaing Pilipino lang ang pag-uusapan, hindi lang isa ang paborito ko. Sinigang na baboy, tapos mainit pa ang sabaw at maasim-asim ang lasa galing sampalok. Paksiw na Lechon… Lalo na’t malutong pa yung balat ng baboy. Kare-kare: kung saan lasang-lasa mo ang giniling na mani, tapos may bagoong na alamang.
At syempre may dessert: Hindi ko mapagsasawaan ang brazo de mercedes.
Teka, nagugutom na ko…
July 2010
8 posts
…ay Luntian.
(Alam nyo kung ano ang ibig sabihin nyan? Hanapin nyo. :P)